Presidential social fund gagamitin para sa rehabilitation ng PGH
Maaaring gamitin sa rehabilitasyon ng nasunog na bahagi ng Philippine General Hospital o PGH ang Presidential Social Fund.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na naglalaan si Pangulong Rodrigo Duterte kada buwan ng 25 milyong pisong pondo mula sa Presidential Social Fund para sa PGH.
Ayon kay Roque,handang tulungan ng Malakanyang ang PGH sa rehabilitation para agad na makabalik sa normal na operasyon ang pangunahing pambansang pagamutan na pinakikinabangan ng mga mahihirap na mamamayan.
Inihayag ni Roque tutulong narin ang Department of Public Works and Highways o DPWH para magsagawa ng assessment sa structural damage ng nasunog na bahagi ng PGH upang agad na makumpuni.
Umaasa ang Malakanyang na sa lalong madaling panahon ay makabalik sa normal na operasyon ang PGH dahil ginagamit ito bilang premier referral hospital sa mga tinatamaan ng COVID-19.
Vic Somintac