Presyo ng antigen test kit, posibleng bumaba
Binabalangkas na ng Dept. of Trade and Industry o DTI, ang planong bawas presyo sa antigen at RT-PCR tests.
Ayon sa DTI, pag-aaralan nila ang ipatutupad na patakaran sakaling magkasundo ang mga kinauukulan na ibaba sa 200-300 pesos mula sa dating 900 pesos ang presyo nito.
Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo . . . “Ang current is P900 yung antigen price cap, ibababa ng technical working group siguro by P200 or P300 less. Yung RT-PCR we are also working on it pero marami pang consideratioms for the final computation kaya hindi pa natin tapos.”
Samantala, wala pang inilalabas ang DTI na suggested retail price o SRP para sa COVID-19 self-test kits dahil dalawa pa lang ang aprubadong brands.
Mabibili na sa ilang botika ang COVID-19 self-test kits, nguni’t hindi gaya sa ibang bansa na puwede itong bilhin ng “over the counter,” sa ngayon ay kailangan pa ito ng doctor’s prescription
Subali’t plano rin na ipagbili ang antigen test kits kahit walang reseta.
Ani Castelo . . . “Yan talaga ang gagawin natin, yung over the counter, we are waiting for the DOH to finish the guidelines for the home test kits kasi kailangan nila ng tutorial video, guidelines para susundin nating ordinaryong tao na hindi naman medical professional kung paano natin gagamitin ang test kits na yan.”