Presyo ng bigas sa World Market bumagsak ng 21 percent
Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na may malaking epekto sa presyo ng bigas sa world market ang Executive Order 39 ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na nagtatakda ng rice price ceiling sa Pilipinas.
Batay sa us-based markets insider ang presyo ng bigas sa pandaigdigang pamilihan ay bumababa ng 21 percent mula sa dating 384 dollars per metric tons noong July ay naging 332 dollars per metric tons ngayong buwan ng September.
Ayon sa liderato ng Kamara na totoong artipisyal lamang ang pagtaas ng presyo ng bigas sa world market dahil noong ilabas ni PBBM ang Executive Order 39 ay maraming mga rice importer sa bansa ang nagkansela ng kanilang importation order.
Sinasabing dahil sa pagkansela ng importation order ng mga rice traders sa bansa dumami ang supply sa world market dahil ang Pilipinas ay isa sa pangunahing rice importer sa buong mundo.
Nangako ang Kamara na tutulungan ang gobyerno sa pamamagitan ng oversight power ng kongreso upang mapigilan ang pagsasamantala ng mga tiwaling negosyante na umanoy nasa likod ng hoarding at price manipulation ng bigas sa bansa.
Pahayag ni House Speaker Martin Romualdez;
“According to us-based markets insider, the price of rice in the world market decreased by 21 percent, from $384 per metric ton last July to $332.4 per metric ton this month.
It is proven that the EO 39 of President Ferdinand R. Marcos, Jr., set commendable results not only in our country, (but in the world as well). We are hoping na magtuloy-tuloy na ang pagbaba ng presyo ng bigas.
I believe that the drop in the price of rice in the world market was due to mass cancelations made on imported rice by rice traders and importers in the country, owing to the price ceiling imposed.
Siguro nung kinansel na nila (importers and traders) ang mga orders, biglang dumami tuloy ang stock sa abroad ng bigas.
It is obvious na artificial ang pagsirit ng presyo ng bigas sa mga palengke natin dahil tinatago ‘yung mga bigas sa bodega as we have seen during our inspection.
The Palace was correct in imposing a price cap as it was the only effective way to discourage hoarders and price manipulators from carrying on with their illegal schemes.
This remarkable development marks a significant shift in our agricultural landscape and offers hope for our local consumers.”
Vic Somintac