Presyo ng galunggong umabot na sa 160 piso ang kilo

 

Tuluy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng kada kilo ng galunggong.

Sa Paco market sa Maynila, 160 piso na ang kada kilo ng galunggong.

Sa Tejeros market naman sa Barangay La Paz, Makati city , ang presyo ng galunggong  ay nasa pagitan ng 140 hanggang 150 piso kada kilo.

Lokal na galunggong ang ibinebenta sa naturang mga palengke  na hinahango sa Malabon o Navotas.

Umaaray naman ang mga nagtitinda ng isda dahil dalawang linggo na anilang matumal ang benta.

Sa sobrang taas kasi anila ng presyo ay bibihira na ang namimili.

 

============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *