Presyo ng gulay asahang tataas dahil sa El Niño – DTI
Tinututukan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang epekto ng El Niño sa produksyon ng pagkain partikular ang mga gulay.
Sa Economic briefing sa Malakanyang sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo inaasahan na tataas ang presyo ng mga gulay sa mga susunod na buwan dahil sa pagbaba ng produksyon nito.
Ayon kay Castelo malala ang epekto ng tag-init sa pagsasaka kaya’t seguradong mababawasan ang suplay ng gulay kasabay ng pagtaas ng demand.
Inihayag ni Castelo paguusapan sa pulong ng National Price Coordinating Council ang mga hakbang para tulungan ang mga magsasaka.
Niliwanag ni Castelo isa sa maaaring gawin ay tulong sa irigasyon para tuloy-tuloy ang patubig sa taniman ng gulay para hindi maapektuhan ang production.
Ulat ni Vic Somintac