Presyo ng gulay at iba pang basic commodities ,tumaas na
Tumaas na ang presyo ng gulay at iba pang basic commodities dahil sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Agriculture USEC Kristine Evangelista, batay sa kanilang monitoring sa mga palengke tumaas ng lima hanggang sampung piso ang kilo ng mga low land vegetables.
Kabilang na rito ang talong, ampalaya, okra at kamatis.
Tumaas rin ng limang piso ang presyo ng kada kilo ng asukal.
Nagkaroon na rin ng paggalaw sa presyo ng isda at karne.
Ayon sa DA wala rin silang kontrol dito dahil lahat ng dinadalang produkto sa mga pamilihan ginagamitan ng transportasyon .
Gayunman may ginagawa na raw silang hakbang para makabili pa rin ang mahihirap ng mga abot kayang presyo mg pagkain,gulay,isda at karne.
Ngayong Marso mamamahagi na rin ang DA ng fuel subsidy para sa mga corn at vegetable farmer.
Tatlong libong piso ang ibibigay na fuel subsidy sa may isandaan at animnaput dalawang libong mga magsasaka
Meanne Corvera