Presyo ng ilang bilihin,tumaas
Bahagyang tumaas ang presyo ng isda, manok at gulay sa ilang pamilihan.
Sa bantay presyo ng Department of Agriculture, ang presyo ng tilapia aabot ang kada 120 kilo, 240 ang Galunggong habang 160 ang Alumahan.
Pero sa Tandang sora Wet Market, mabibili ang tilapia sa 140 kada kilo, 300 ang Galunggong, 300 ang Alumahan habang nananatili sa 180 pesos ang kada kilo ng bangus.
Ang Crabs aabot sa 700 ang kilo, 400 ang Hipon pero depende sa size.
Ang laman ng Baka 430 ang kilo, 380 ang Liempo habang 350 ang kasim.
Bahagya namang bumaba ang presyo ng manok sa 160 hanggang 170 kada kilo mula sa dating presyo na 190.
Bahagya ring nagmahal ang presyo ng mga pang pakbet tulad ng ampalaya na 100 pesos kada kilo, 80 pesos ang talong habang 80 pesos ang kada kilo ng sitaw.
Bahagya namang bumaba ang presyo ng mga upland vegetables tulad ng Repolyo na aabot sa 60 kada kilo, 70 ang Pechay baguio, 80 ang Carrots, 75 ang Baguio beans , 40 ang kada kilo ng Sayote habang 60 ang kilo ng Patatas.
Ang lokal na Sibuyas 60 hanggang 80 ang kilo habang 50 pesos ang imported .
Ang itlog limang piso kada piraso habang ang Well milled rice aabot sa 41 hanggang 44 pesos kada kilo.
Meanne Corvera