Presyo ng ilang pangunahing pagkain sa ilang rehiyon sa bansa, bahagyang tumaas
Bahagyang tumaas ang presyo ng ilang pangunahing pagkain sa ilang rehiyon sa bansa.
Sa datos ng Philippine Statistic Authority, tumaas ang presyo bigas, asukal, galunggong at mataas pa rin ang presyo ng baboy.
Labing apat na sentimo hanggang dalawang piso ang itinaas sa kada kilo ng bigas sa Metro manila at lima pang rehiyon sa bansa.
Dalawa hanggang sampung piso naman ang itinaas ng kada kilo ng baboy ngayong mayo kumpara sa presyo noong Abril.
Nakapagtala rin ng pagtaas sa presyo ng kada kilo ng galunggong sa NCR, Calapan City, Tacloban City, Cagayan de Oro City, at Cotabato City.
Bumaba naman ang presyo ng sibuyas at iba pang Agricultural products.
Meanne Corvera