Presyo ng langis, bahagyang nagbago nang ilabas ng Russia ang export ban
Ipinagbawal ng Russia ang pagbebenta ng langis sa mga bansa at kompanyang sumunod sa limitasyon ng presyo o price cap, na pinagkasunduan ng bansang Kanluranin, na bahagyang nagpataas sa mga presyo ng krudo.
Nakasaad sa isang presidential decree, “The supply of Russian oil and oil products to foreign legal entities and individuals is prohibited if the contracts for these supplies directly or indirectly are using a price cap.”
Ang decree ay magkakabisa simula Pebrero a-uno hanggang Hulyo a-uno ng susunod na taon.
Nakasaad din sa decree, na ang pagbabawal ay maaaring alisin sa mga indibidwal na kaso batay sa isang “espesyal na desisyon” mula sa Pangulo ng Russia na si Vladimir Putin.
Ang price ceiling na $60 per barrel na napagkasunduan ng European Union, G7 at Australia ay nagsimula sa unang bahagi ng Disyembre, at naglalayong limitahan ang kita ng Russia habang tinitiyak na patuloy pa ring magsu-suplay ang Moscow sa global market.
Tumaas ang presyo ng langis nang lumabas ang anunsiyo, at itinuturo ng mga analyst na sanhi nito ay ang mga inaasahang mas malakas na demand dahil sa hakbang ng China na muli nang magbukas matapos ang matagal na COVID-19 restrictions.
Ngunit karamihan sa mga pagtaas sa presyo ng langis ay nawala na sa pagtatapos ng trading session. Napansin ng mga analyst na ang hakbang ng Moscow ay hindi makahahadlang sa deliveries sa India, China at iba pang mga importers na hindi sumali sa price cap.
Sinabi ni Matt Smith ng Kpler, “The Russian action ‘should not come too much as a surprise’ for the market really, given what we heard from them over the recent months. It’ll tighten things up a bit, but not too much.”
Ang Brent oil futures para sa February delivery ay nagtapos sa 0.5 percent sa $84.33 bawat bariles.
Ang benchmark ng US na West Texas Intermediate para February delivery, ay bumaba ng mas mababa sa 0.1 porsiyento sa $79.53 isang bariles.
Sinimulan kasabay ng isang embargo ng EU sa seaborne deliveries ng Russian crude oil, ang price cap ay naglalayong matiyak na hindi malalampasan ng Russia ang embargo sa pamamagitan ng pagbebenta ng langis nito sa third countries sa mataas na presyo.
Sinabi ng Russia na hindi makaaapekto ang price cap sa kanilang military campaign sa Ukraine, at nagpahayag ng tiwala na makahahanap ito ng bagong buyers.
© Agence France-Presse