Presyo ng lechon sa La loma Quezon city dumoble

Dumoble na ang presyo ng lechon sa La loma Quezon city.

Katunayan, ang dating apat hanggang limang kilong buong lechon na dating nagkakahalaga ng apat na libong piso, mabibili na ngayon sa 8,500 hanggang 9,000 pesos.

Ayon sa mga negosyante, mahal rin kasi ang presyo ng kanilang inaangkat na buhay na baboy na nanggaling pa sa mga tawid dagat na probinsya.

Bukod dito, kakaunti pa ang suplay dahil hindi pa rin naman tuluyang nawawala ang banta ng african swine fever at marami pa rin ang ayaw mag-alaga ng baboy.

Bukod sa mahal na gastos sa pagtatransport ng mga buhay na baboy, dumadaan din aniya ang mga ito sa masusing mga test para matiyak na wala silang sakit bago iluto at ibenta sa publiko.

Pero may mabibili naman raw na kilo kilo para sa mga kulang ang budget sa isang buong lechon.

Meanne Corvera

Please follow and like us: