Presyo ng LPG, nakaambang tumaas bukas
Nakaambang tumaas ang presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) sa papasok na buwan.
Batay sa abiso ng industry sources, nasa 3 hanggang 4 piso ang itataas ng LPG.
Dahil dito, maaaring pumalo ang dagdag presyo sa 33 hanggang 44 piso sa kada tangke ng LPG.
Inaasahaang ipatutupad ang taas -presyo bukas, June 1.
Ayon sa LPG Marketers Association (LPGMA) Party-list, ang presyo ng LPG ay sumusunod lamang sa presyo ng diesel at gasolina sa pandaigdigang merkado.
==============
Please follow and like us: