Presyo ng Manok sa mga Pamilihan bumaba
Bumababa ang presyo ng manok sa ilang pamilihan — kung dati ay nasa P 160 hanggang P 170 kada kilo, nagkakahalaga na lang ito ngayon ng P 150.
Sa Litex Market, napag-alaman ng Net25 News na nasa P 140 kada kilo nakukuha ng mga tindera ang presyo ng manok at pinapatungan nila ito ng hanggang P 10 kada kilo.
Isa sa nakikitang dahilan sa pagbaba ng presyo ng karne ng manok ang oversupply ng produkto dahil naman sa Over Importation.
Sa reklamo na ipinarating ng grupong United Broiler Raisers Association o UBRA, sinabi ni Gregorio San Diego na problema nila ang oversupply ng manok sa merkado dahil nagdudulot ito ng pagbaba sa farmgate price.
Sa projection ng Department Of Agriculture, tatagal ng 114 days ang surplus sa supply ng manok sa bansa hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan.
Napag-alaman din sa Philippine Rural Reconstruction Movement o PRRM na ang mga Small Community Based Chicken Producers ang matinding tinamaan sa over importation kaya sila nalulugi.
Vic Somintac