Presyo ng manok, tumaas dahil sa mainit na panahon

 

Tumaas ang presyo ng manok sa ilang pamilihan kasunod ng nararanasang mainit na panahon.

Mas mahal ang kada kilo ng manok ngayon ng mula 10 hanggang 30 piso.

Sa Commonwealth market sa Quezon City, ang dating 70 piso kada kilo ng paa ng manok mabibili na ngayon sa 100 piso.

Pumalo naman ang kada kilo ng pakpak ng manok sa 150 piso mula sa dating 140 piso, habang ang picho ay mabibili ng 130 piso kada kilo mula sa dating 110 piso.

Sa Masinag market sa Antipolo City, tumaas din ng 10 piso ang kada kilo ng karneng manok.

Mula sa dating 140 piso, mabibili na ang kada kilo ng choice cuts sa halagang 160 piso.

Sinabi ng mga magtitinda na ang pagtaas sa presyo ay dahil sa kakulungan ng suplay nito sa merkado.

 

===============

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *