Presyo ng mga aangkating bigas, tiniyak na mananatili sa 27-32 piso- NFA

Hindi maaapektuhan ang mga magsasaka ng bigas sa pagdating ng mga inangkat na bigas mula sa ibang bansa.

Sa panayam ng Radyo Agila-DZEC, sinabi ni National Food Authority o NFA Spokesperson Rex Estoperez, mataas pa rin naman ang presyuhan sa mga sakahan kaya wala umanong maaapektuhan.

Tiniyak ni Estoperez na mananatili sa halagang 27 hanggang 32 piso ang presyo ng imported rice dahil ito aniya ang direktiba ni Pangulong Duterte kay NFA Administrator Jason Aquino kahit pa may TRAIN law.

Ang mga aangkating bigas ay magmumula sa Vietnam at Thailand at mabibili ang mga ito sa mga pamilihang bayan simula sa Hunyo.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *