Presyo ng mga bilihin inaasahan ng mga mambabatas na maibababa ng bagong DA Secretary

Dapat patunayan ng bagong kalihim ng Department of Agriculture kung paano ibababa ang presyo ng mga pagkain at magkaroon ng sapat na suplay ng mga Agricultural product sa bansa.

Ito ang hamon ng mga Senador sa bagong talagang kalihim ng DA na si Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Ayon kay Senador Aquilino Koko Pimentel, tama ang ginawa ng Pangulo na naglagay na ng permanenteng kalihim ng DA.

STATEMENT SENATOR AQUILINO KOKO PIMENTEL

(It’s a good decision to appoint a full-time secretary for the Department of Agriculture as increasing our “food production” must be our top priority,”Now, if the question is if Mr. Tiu Laurel is a good choice for DA Sec, let us give him time to prove himself. )

Naniniwala si Pimentel na may sapat na kakayahan naman si Laurel sa sektor ng agrikultura.

Pero pinaalalahanan ni Pimentel ang kalihim na isantabi muna ang kaniyang business interests ngayong miyembro na siya ng gabinete.

Kapwa naman naniniwala sina Senador Francis Tolentino at JV Ejercito na may sapat na background si Laurel para resolbahin ang matagal nang problema sa agrikultura at hinaing ng mga magsasaka.

STATEMENT SENATOR FRANCIS TOLENTINO

( “Lets  give him the chance to work. He comes with a fisheries background.But the agricultural industry is more than just fisheries,and its underlying issues are firmly-rooted. )

STATEMENT SENATOR JV EJERCITO

(I am wishing newly appointed Sec. Francisco Laurel all the best to be able to fix a very complicated problem that is the Department of Agriculture)

Para kay Senador Bong Revilla Jr, tama na si Laurel ang itinalaga sa pwesto dahil sa kaniyang malawak na experience sa sektor ng agrikultura.

Sa kaniyang pagkaka- appoint, may permanente na aniyang tututok sa pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda.

STATEMENT SENATOR BONG REVILLA JR

(Sa kanyang pagkaka-appoint, mayroon nang permanenteng tututok sa mga pangangailangan sa agrikultura at sa ating mga magsasaka at mangingisda)

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri  na sa pagkakatalaga ng bagong kalihim sa d-a, magkakaroon na ng reporma sa sektor ng agrikultura at mapapalakas ang food security.

STATEMENT SENATE PRESIDENT JUAN MIGUEL ZUBIRI

( I am glad that the President personally headed the Department of Agriculture for a time, and instituted a whole-of-government approach in implementing important reforms in the agricultural sector that strengthened our food security.)

Dahil may permanente nang kalihim ang DA, sinabi ni Zubiri na mas makakatutok ngayon ang Pangulo sa iba pang problema ng bansa.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *