Presyo ng mga produktong petrolyo, may dagdag singil na naman
Tuluy-tuloy pa rin ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong 2018.
Sa ikaanim na sunud-sunod na linggo, muling magtataas ng presyo ang mga kumpanya ng langis ngayong linggo.
Inaasahang magkakaroon ng dagdag na 50 hanggang 70 sentimos na umento sa bawat litro ng gasolina.
Samantala, tinatayang nasa 30 hanggang 40 sentimos naman ang magiging dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel.
Limampu hanggang animnapung sentimos naman ang madaragdag sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Sa kabuuan, simula 2018, umaabot na sa 5.55 piso ang itinaas ng presyo ng bawat litro ng diesel at 4.70 piso kada litro naman sa gasolina dahil sa pinagsamang dagdag sa import price at epekto ng excise tax.
=== end ===