Presyo ng mga produktong petrolyo, may rollback sa mga susunod na araw
Makaaasa ng kaunting ginhawa ang mga motorista sa mga susunod na araw.
Ito’y matapos mag-anunsyo ng oil price rollback sa diesel at kerosene ang ilang oil player.
Sa fuel forecast ng Unioil Petroleum Philippines sa July 5 – 11 trading week, maaaring nasa P2.50 hanggang P3.00 ang bawas presyo sa kad alitro ng diesel.
Habang nasa P0.20 hanggang P0.40 naman ang rollback sa gasolina.
Pero dahil sa liit ng maaaring ibawas presyo, posibleng manatili na lamang ang presyo nito at ma-offset lamang sa premium cost.
Samantala, ang presyo ng kerosene ay posibleng matapyasan ng P3.00 hanggang P3.40.
Ang paggalaw ng presyo ng langis ay dahil pa rin sa dikta ng pandaigdigang merkado.