Presyo ng mga produktong petrolyo posibleng bumaba sa susunod na linggo
Posibleng bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Director Rino Abad ng oil industry management bureau ng Department of Energy, bumaba kasi ang presyo ng krudo sa nakaraang tatlong araw.
Hindi masabi ni Abad kung magkano ang maaring maging rollback pero tatlong araw na aniyang mababa ang presyo ng langis sa World trading.
Hindi rin nito masabi kung tuloy tuloy na ang magiging pagbaba pero may epekto ang nangyaring peacetalks sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Magkakaroon aniya ng pabago bagong galaw hanggat walang kasiguruhan ang girian sa pagitan ng dalawang bansa.
Nitong Martes nagpatupad ng panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis na aabot sa mahigit 8 pesos sa Diesel habang 3 pesos sa Gasolina.
Mula noong Enero ngayong taon umabot na sa 18.30 ang itinaas sa Gasolina, 27.85 sa Diesel habang 25.75 sa Kerosene.
Meanne Corvera