Presyo ng mga sardinas, posibleng tumaas
Lubhang apekatdo na ang produksyon ng de latang sardinas sa lunsod ng Zamboanga.
Dahil dito, posibleng tumaas ang presyo ng mga canned sardines kasunod ng tigil-produksyon ng ilang mga kumpanya ng delata sa lunsod dahil na rin sa pagtigil ng issuance ng transport permit ng Zamboanga Sibugay government sa mga local coal traders.
Apektado rin sa tigil- produksyon ang halos 30 libong mga trabahador ng mga canned companies na nagtigil operasyon.
Sa ngayon, kumuha na sila ng 3,000 metriko toneladang coal mula sa Semirara Mining and Power Corp.
Ngunit dahil sa Antique pa magmumula ang coal, asahan nang ipapasa sa mga mamimili ang dagdag gastos sa pagbiyahe ng coal patungong Zamboanga City.
Ang lunsod ng Zamboanga ay tinaguriang “sardines capital” dahil doon nagmumula ang may 7 porsyento ng suplay ng de-latang sardinas sa Pilipinas.