Presyo ng pagkain bahagyang gumalaw; Inflation naitala na sa 2.5 percent – PSA
Bahagyang gumalaw ang Inflation o ang pagtaas ng presyo ng bilihin at mga serbisyo sa nakalipas na buwan ng Oktubre ngayong taon.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng 2.5 percent na inflation nitong Oktubre, mas mataas ng 0.8 percent noong Setyembre.
Ayon kay National Statistician undersecretary Dennis Mapa, nakapag- ambag sa paggalaw ng inflation ang presyo ng pagkain kabilang na ang karne, isda at gulay.
Sa nakalipas na buwan, tumaas ang presyo ng kada kilo ng baboy lalo na sa National Capital Region(NCR) dahil sa kakulangan ng suplay dulot ng African Swine Fever.
Gayunman, bumaba naman ang presyo ng gulay, sibuyas at kamatis na nasa 0.5 percent.
National Statistician Usec Dennis Mapa:
“Ito ay dahil sa pagtaas ng presyo ng karne sa antas na 4.7 percent mula sa 2.9 percent noong Setyembre, ang isa ring dahilan ng pagtaas ng presyo ng isda 3.7 percent mula sa 2.6 noong setyembre tulad ng galunggong at dilis”.
Nakaambag rin sa pagtaas ng inflation ang pagtaas ng singil sa mga Restaurant, goods and services gaya sa mga Barber shop.
Nakapagtala rin ng bahagyang pagtaas sa tuition fee sa edukasyon partikular na sa private tertiary at secondary schools ngayong may Pandemic.
Bukod pa rito ang naitalang pagtaas sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan lalo na sa mga lalawigan gaya ng jeep at bus dahil naman sa umiiral na physical distancing.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang inflation ay pasok pa rin sa forecast na 1.9 hanggang 2.7 percent ngayong taon.
Statement BSP:
“The latest inflation out turn is consistent with the BSP’s prevailing assessment of favorable inflation dynamics over the policy horizon. The balance of risks continues to lean toward the downside due largely to the impact on domestic and global economic activity of possible deeper Economic disruptions caused by the Pandemic”.
Meanne Corvera