Presyo ng School supplies, nagsimula nang tumaas
Tumaas na ang presyo ng mga school supplies, mahigit isang buwan bago mag-pasukan.
Kabilang na rito ang notebook na may 80 leaves na piso hanggang tatlong piso ang itinaas.
Habang piso hanggang 5 piso naman ang inaasahang dagdag sa preso ng intermediate pad.
Sa crayola naman ay 2 piso hanggang 10 piso ang itinaas sa presyo.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, nagmahal ang presyo ng raw materials na ini-import na ginagamit ng paper millers para sa paggawa ng papel.
Samantala, nakatakdang ilabas ngayong weekend ng DTI ang bagong Suggested retail price o SRP ng school supplies.
=============
Please follow and like us: