Prevention,detection, isolation , treatment at re -integration paiigtingin para makontrol ang paglobo ng COVID-19 cases – Malakanyang
Palalakasin ng pamahalaan ang prevention, detection, isolation, treatment at re-integration para maagapan ang paglobo ng kaso ng COVID 19 sa bansa partikular sa Metro Manila.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque bagamat totoong tumataas ang kaso ng COVID 19 hindi dapat na mabahala ang publiko dahil maituturing na manageable parin ang sitwasyon.
Ayon kay Roque ang mga Local Government Units o LGU’S sa Metro Manila ay aktibo at agad na gumagawa ng kaukulang hakbang para makontrol ang paglaganap pa ng COVID 19 sa kanilang nasasakupan.
Inihayag ni Roque ilang LGU’S na ang nagpapatupad ng localized lockdown sa kanilang nasasakupan na may naitalang mataas na kaso ng COVID 19 gaya sa Lungsod ng Maynila, Quezon City at Pasay City.
Niliwanag ni Roque sa prevention ay mahigpit na ipatutupad ang standard health protocol tulad ng mask hugas iwas, sa detection ay palalakasin ang contact tracing at testing, sa isolation ay tututukan ang operasyon ng mga isolation at quarantine facilities, sa treatment ay sisiguraduhing available ang mga hospital bed capacity.
Samantalang ang mga gumagaling sa COVID 19 ay tutulungan ng pamahalaan sa pamamagitan ng re-integration program.
Vic Somintac