Price freeze sa mga produktong petrolyo, epektibo sa loob ng 15 araw sa mga lugar na isinailalim sa State of Calamity
Walang magiging paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa mga lugar na isinailalim sa State of Calamity dahil sa mga nagdaang bagyo.
Ito’y matapos ianunsyo ng Department of Energy (DOE) ang price freeze para sa Liquified petroleum gas (LPG) at kerosene sa loob ng 15 araw.
Epektibo ang price freeze sa Marikina City at mga probinsiya ng Isabela, Cagayan at Aurora na maitnding hinagupit ng bagyong Ulysses.
Ayon sa DOE, sa ilalim ng price freeze, ipatutupad ang price rollback habang mahigpit namang ipinagbabawal ang price hike.
Epektibo ang price freeze simula Nobyembre 13 hanggang 27 sa Isabela at Marikina city habang sa Cagayan at Aurora ay mula Nob. 14 hanggang Nob. 28.