Prime Minister ng Canada, isasapubliko ang pagbabakuna sa kaniya
MONTREAL, Canada (AFP) — Inihayag ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau, na isasapubliko ang pagtanggap niya ng COVID-19 vaccine.
Sinimulan na ng Canada noong December 14, ang pagbabakuna sa mga nasa high-risk category gaya ng frontline health care workers at mga residente at staff ng long-term care facilities, ng Pfizer-BioNTech vaccine.
Dagdag pa ni Trudeau, susundin nya ang rekomendasyon ng public health experts.
Matatandaan na nagpositbo sa coronavirus noong Marso ang misis nito na si Sophie Gregoire Trudeau, kayat dalawang linggo rin siyang nagself-quarantine.
Sinabi ni Trudeau na maaaring nagkaroon ng extremely mild case ng COVID-19, dahil wala siyang sintomas o sya ay asymptomatic.
Umaasa ang Canada na sa lalong madaling panahon ay matatanggap na nila ang karagdagang doses ng vaccine kapwa mula sa Pfizer at Moderna suppliers, sa sandaling bigyan na ng authorization ng mga awtoridad ang Moderna.
Ayon sa kagawaran ng kalusugan ng Canada, ang Moderna authorization ay inaasahang ibibigay na sa mga darating na linggo.
Sa kabuuan, ang Canada na isang bansang may 38 million populasyon ay umorderna ng higit 400 million doses ng bakuna mula sa pitong pharmaceutical groups.
Sa isang panayam ay sinabi ni Trudeau na isi-share nila sa ibang mga bansa kapag may natira silang doses ng bakuna.
Ang pagkalat ng virus ay tumaas habang papalapit ang year-end holidays.
Ayon sa tally ng Johns Hopkins University, nitong Sabado ay lumampas na ang Canada sa 500,000 confirmed cases, kung saan nitong Linggo ay umabot ito sa 509,000 at mayroon na ring 14,212 namatay dahil sa COVID-19.
© Agence France-Presse