Prime minister ng Thailand, bibisita sa bansa ngayong taon
Nakatakdang bumisita sa bansa ngayong taon ang Prime Minister ng Thailand.
Ito ang inanunsiyo ni Thailand Foreign Affairs Minister Maris Sangiampongsa sa joint press conference kasama si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.
Ayon kay Minister Maris, pinaghahandaan na nila ang inaasahang pagbisita sa Pilipinas ngayong taon ng Thai Prime Minister na kaalinsabay ng ika-75 anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa.
Sinabi pa ng foreign minister at ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, na paiigtingin ng dalawang bansa ang pagtutulungan sa paglaban sa transnational criminal networks na nasa likod ng online scamming, cybercrimws at human trafficking.
Tiniyak din ng dalawang opisyal na palalakasin ng Thailand at Pilipinas ang kooperasyon sa trade at investment at sa turismo.
Kasama pa sa tinalakay nina Manalo at Maris ang sitwasyon sa South China Sea, Myanmar at Gaza.
Sinabi ni Thailand Foreign Affairs Minister Maris Sangiampongsa, “We will also work closely to prepade for the visit of thai prime minister to the philippinss within this year.”
Ayon naman kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, “I look forward to more opportunities to exchange views with him on how we can strengthen and elevate our bilateral relationship, as well as cooperation in addressing various regional and international challenges.”
Moira Encina-Cruz