Prime suspect na si John Paul Solano, binawi ang nilagdaang waiver of detention
Binawi ng isa sa pangunahing suspek sa Horacio Castillo hazing case na si John Paul Solano ang nilagdaan niyang Waiver of Detention noong September 22 sa manila police district.
Sa pagpirma ng waiver of detention, isinusuko ng isang respondent ang kanyang karapatan sa ilalim ng Article 125 ng Revised Penal Code na pinahihintulutan niya ang kanyang pagkakapiit kahit lagpas sa reglementary period para siya ay maisalang sa inquest at para makapagsumite siya ng kontra salaysay.
Sa kanyang omnibus motion na inihain sa dDOJ, iginiit ng kampo ni Solano na depektibo ang inihaing reklamo laban dito ng MPD kaya walang rason para patuloy itong mapiit.
Ayon sa abogado niyang si Paterno Esmaquel, hindi maaring maging complex crime ang paglabag sa ilalim ng Revised Penal Cose at ang paglabag sa Special Law.
Kabilang sa ikinaso ng MPD laban kay Solano ay murder na paglabag sa Revised Penal Code at paglabag sa Anti-Hazing Law na isang special law.
Ukol naman sa reklamong perjury laban kay Solano, sinabi ng abogado na hindi dapat bigyang bigat ang affidavit ni Solano na isinumite niya sa MPD homicide section bago siya sumuko dahil di naman ito pinanumpaan sa notary public o piskal.
ulat ni Moira Encina