Printing ng mga balota para sa May 9 elections , nasimulan na ng NPO

Matapos maantala ng ilang araw, nasimulan na rin ang pag-imprenta ng mga balota na gagamitin para sa May 9 National and Local Elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, 7:00 pm kagabi ng masimulan ng National Printing Office ang paglilimbag ng mga balota.

Inuuna aniya ang printing ng balota para sa Local Absentee Voting.

Pagkatapos ay isusunod naman ang para sa Overseas Absentee Voting at sunod ay para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ayon kay Jimenez, para sa LAV ay nasa humigit kumulang 60,000 balota ang iimprenta, 79,000 naman sa Overseas Voting at 86,000 naman sa BARMM.

Madz Moratillo

Please follow and like us: