Prison and penal farms ng BuCor, hinimok na pumasok sa business ventures sa mga pribadong sektor
Nais ng liderato ng Bureau of Corrections (BuCor) na paupahan ang lahat ng mga bakanteng lupain ng operating prison and penal farms sa pribadong sektor.
Inihalimbawa ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. ang Davao Prison and Penal Farm (DPPF) na pumasok sa kasunduan sa Tagum Agricultural Development Company, Incorporated (TADECO) para paupahan ang mahigit 5,000 ektaryang lupain nito.
Ayon kay Catapang, tinatayang P20 million-P22 million kada buwan ang kinikita ng BuCor para sa lease ng nasabing lupain ng DPPF na pinagtataniman ng TADECO ng mga saging.
Sinabi pa ng opisyal na ongoing ang negosasyon ng San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) sa Zamboanga City para sa posibleng pagpapaupa ng 15 ektarya nito para sa solar project at 60 ektarya para sa economic zone.
Kung ang lahat aniya ng prison and penal farms ng BuCor ay kumikita ay maaaring sumapit ang panahon na hindi na humingi ang kawanihan ng budget sa gobyerno.
Posible naman aniya ito dahil sa malawak ang lupain ng BuCor na puwedeng i-convert sa agro at aqua-culture sites at economic zones.
Moira Encina