Private Emission Testing Centers,nagsagawa ng silent protest
Nagsagawa ng silent protest sa harap ng tanggapan ng Department of Transportation sa Pampanga ang may isandaang miyembro ng Private Emission Testing Centers o PETC.
Inirereklamo nila ang pagpapasara ng DOTr dahil sobra sobra na umano ang mga PETC sa buong bansa.
Ayon kay Yoyo , may-ari ng testing center sa Naic Cavite, sampu sa kaniyang empleado ang nawalan ng trabaho dahil hindi na narenew ang lisensya ng kanilang PETC.
Umapila sila sa DOTr na tigilan na ang pagpapasara para paboran ang private motor vehicle inspection center.
Sinabi naman ni Jun Evangelista bakit sila ipinasara samantalang 2003 pa sila nagsimulang mag-operate at hindi sila sakop ng memorandum circular na inisyu ng DOTr.
Sa memo ng DOTr noong 2016, bawal ang pagdaragdag ng mga Emission testing centers.
Nauna nang iniutos ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang implementasyon ng Mandatory inspection at testing ng PMVIC.
Pero ayon kay Evangelista, ang ginawa raw ng LTO ipinasa ang PETC para paboran ang ilang negosyante.
Walang pinagkaiba ang ginagawa ng PMVIC dahil bagamat road worthiness ang mandato nauuwi lang sa emission.
Pero mas mahal maningil ang PMVIC kumpara sa PETC.
Nagsumite na ng sulat ang grupo kay Secretary Tugade para hilingin na payagan na silang mag- operate.
Kung wala raw magiging aksyon magpapadala na rin sila ng sulat kay Pangulong Duterte sa Malacañang.
Meanne Corvera