Private schools, matindi ang naging pagla-lobby para hindi lagdaan ng Pangulo ang Free College Education Program
Matindi ang ginawang pagla-lobby ng mga Private school para hindi pirmahan ni Pangulong Rodrido Duterte ang panukalang free tuition sa State Universities and Colleges pero hindi ito umubra sa Pangulo
Ayon kay Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III, hindi lamang ang payo at rekomendasyon ng mga economic managers ni Pangulong Duterte ang sinuway nito sa kaniyang paglagda sa panukala.
Mismong mga economic manager na rin ng Pangulo ang nagsabi ukol sa matinding pag-lobby ng mga private school para huwag pirmahan ang panukala para sa libreng matrikula sa mga SUCs.
Dagdag pa ni Sotto, sa pagsuway ng punong ehekutibo sa kanyang economic managers at hindi pagpapadala sa mga lobby ay pinakita lamang nitong hindi siya kayang diktihan ng sinoman bagkus ginawa niya kung ano ang sa tingin niya ay gusto ng tao at kailangan para sa ikakabuti ng bansa na isa sa maituturing na pinakamagandang ehemplo.
Magugunitang, tutol at inirekomenda pa sa Pangulo ng kanyang mga economic manager na i-veto ang panukala sa dahilang hindi ito kakayaning pasanin ng pamahalaan