Private sector, hindi obligadong i-donate sa gobyerno ang 50% ng bibilhin nilang anti COVID-19 vaccine
Iginiit ng Malakanyang na hindi obligado ang pribadong sektor na i-donate sa national government ang kalahati ng mga COVID-19 vaccines na kanilang bibilhin sa pamamagitan ng tripartite agreement.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez ang 50 percent vaccine donation ng private sector sa pamahalaan ay nangyari lamang noong unang kasunduan sa pagbili ng anti COVID 19 vaccine mula sa AstraZeneca.
Sinabi ni Galvez na ang AstraZeneca ang nag-require sa private sector na i-donate sa gobyerno ang kalahati ng kanilang bibilhing anti COVID 19 vaccine.
Sinabi ni Galvez na layunin ng hakbang na ito na masiguro na makakatanggap rin ng bakuna ang nasa marginalized population.
Inihayag ni Galvez sa triparitte agreement ng private sector sa Moderna at Novavax, walang donasyong matatanggap ang national government.
Niliwanag ni Galvez lahat ng transakyon ng pribadong kompanya ay dapat idaan sa tripartite agreement dahil Emergency Use Authorization lamang ang ibinigay ng Food and Drug Administration o FDA sa lahat ng available na anti COVID 19 vaccine.
Vic Somintac