Problema sa gambling addict dapat maresolba para hindi na maulit ang naganap na RWM attack

rwm1

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Dapat masagot ang mga dapat gawin para maresolba ang problema sa gambling addiction o pagiging adik sa sugal.

Sa panayam ng Saganang Mamamayan, sinabi ni House Games and Amusement Committee Chairman Gus Tambunting , dapat mapagtuunan ng pansin ang responsible gaming dahil nagiging destructive ang pagsusugal kung napapabayaan na ang ibang obligasyon dahil sa pagiging adik sa sugal.

Sinabi pa ni Tambunting na dapat ding magamit ang kapangyarihan ng Kongreso para mabigyan ng sapat na kagamitan at kaalaman ang security officials sa mga casino upang hindi na maulit pa ang nangyaring trahedya na nagdulot ng malaking epekto sa imahe ng bansa .

“Pinagbubutihan po namin at talagang gumagawa kami ng solusyon na hindi na uli mangyari ito dahil ito ay nakakaapekto sa imahe ng ating bayan. Where in the virtue in entertaining capital and something like this will definitely make investors sign away from this country at maapektuhan po tayo”. – Tambunting

Samantala inihayag din ni Tambunting na inaasahan sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Kamara ngayong araw kaugnay ng nangyaring pag-atake sa Resorts World Manila ay masasagot na ang maraming katanungan sa naunang pagdinig.

Ulat ni: Marinell Ochoa

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *