Problema Sa Lalamunan, Ang Bibig May Kinalaman
Marami tayong nais na ibahagi sa ating mga tagasubaybay. Sa araw na ito ukol sa kalusugan ng lalamunan ang ating pag-uusapan. Una, ano ba ang lalamunan at gaano ito kahalaga para sa kalusugan ng bata o matanda para manatiling masigla? Ang lalamunan ng tao ay parang isang tubo na nasa loob ng leeg kung saan ang tubig, pagkain, hangin, at boses natin ay dumadaan kaya kailangang mapanatili ang kalusugan nito.
Mayroong mga sintomas na mararanasan kapag may problema sa lalamunan gaya ng: pagiging samirin, duwalin, parang may plema o barado ang lalamunan na madalas ehem ng ehem, madalas na nangangati ang lalamunan, madalas na tuyo ang lalamunan, madaling mapaos, madalas magka sore throat, at humihina ang boses.
Samantala, maaaring itinatanong ninyo kung ano ang koneksiyon ng kalusugan ng ngipin ng isang bata man o matanda pag may problema sa lalamunan? At anong mga problema sa kalusugan ng bibig o ngipin na maaaring mag dulot ng karamdaman sa lalamunan? Ang sagot .sa mga bata, bad sleeping habits, thumbsucking, mouth breathing, maagang napudpud o nabunutan ng ngipin ganoon din sa matatanda ….di nagsusuot ng pustiso, sobrang luma na pustiso, walang mga bagang, mga nakaatras ang baba kaya naiipit ang lalamunan o kung tawagin ay malocclussion o mali ang kagat
Kaya nga ang maipapayo natin sa ating mga kapitbahay pag may problema sa lalamunan kalusugan ng ngipin ay patingnan dahil malaki ang kinalaman ng ating bibig dahil ito ang pintuan bago pumasok ang anomang kinain o ininom patungo sa loob ng katawan.
At ngayong panahon ng covid…lagi nating tandaan na ang bibig ay parang lababo at sa ilalim ay may maliit na tubo katulad ng lalamunan na pwedeng mapuno ng sebo at kapitan ng virus o mikrobyo.
Panatilihing maayos at malinis ang lababo(bibig) para malinis at maayos ang tubo (lalamunan) para diretso sa septic tank mo (tiyan) at di makaperwisyo.
By: Doc Josie Villadolid / Functional Dentist