Problema sa mga maliliit na ospital hindi sapat ang pondo – Philhealth

Malaking problema umano sa mga maliliit na pribadong ospital ang nangyaring ransomware attack sa sistema ng Philippine Health Insurance Corporation.

Ayon kay Dr Jose Rene De Grano, Presidente ng Private Hospital Association of the Philippines, ang mga maliliit na ospital kasing ito ay umaasa ang mga pagamutan sa bayad ng mga pasyente.

Hindi gaya ng malalaking private hospital na merong sapat na pondo.

Sa small hospital karamihan they rely on patient na charity and this patient halos wala binabayaran if ma-delay payment mauubos pera ng smaller hospital to the point maapektuhan ang cash flow nila ang operation.” pahayag ni DR. Jose Rene Grano, Presidente ng Private Hospital Association of the Philippines.

Noong una aniya ay nangako ang PhilHealth na sa loob ng 48 oras ay maaayos ang problema pero hindi rin naman natupad.

Ang worst case scenario, mag abono muna aniya ng bayad ang mga patient beneficiary.


“Initially sabihin sa beneificiaries di muna deduct bayad muna kayo out of pocket muna. Kung emergency ay tatanggapin baka una sabihin advance muna bayad once magsoli at bayaran philhealth ibabalik sa inyo wag na sana umabot dun sabihin ng philhealth ok na kami.” patuloy pa na pahayag ni De
Grano.

Ipinaalala pa ni De Grano na malaki pa rin ang utang ng Philhealth sa mga hospital na umaabot sa 27 billion pesos.

“Still for the past 5 years 27 billion andun padin. Ang laki ng utang na yun.” dugtong pa ni De Grano

Payo naman ng PhilHealth sa mga pasyente, mag-mano-mano muna ng proseso.

Halimbawa pasyente need ma-confine check muna sa system ng ospital o member, dala philhealth ID o member record para pagkakakilanlan kung member o hindi.” pahayag ni Dr. Israel Pargas, SVP – Health finance policy sector, Philhealth

Sa panayam ng programang Ano sa Palagay Nyo sa Net25, tiniyak ni Dr. Israel Pargas, SVP – Health Finance Policy Sector, Philheath na walang personal na impormasyon o anumang medical information ang nag-leak dahil sa nangyaring cyberattack.

“I am assuring everyone according to our investigation no personal info or medical info has been compromised assured all member patuloy serbisyo ng philhealth.. mano-mano lang.” dugtong pa ni Dr. Pargas

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *