Processed meat, nakapagpapataas ng mortality rate, base sa pag-aaral
Hindi naiiwasan ng maraming tao ang kumain ng processed foods tulad ng bacon, hot dog, ham, tocino o kaya ay longganisa.
Ngunit alam ba ninyo na sa ginawang pag aaral ng mga researchers sa Harvard School of Public Health, may pagtaas sa mortality rate ang madalas na pagkain ng mga nasabing pagkain.
Ang isang maliit o three ounce serving ng red meat sa loob ng siang araw ay nagpapataas umano ng mortality rate ng 13% o kaya ay mataas ang tsansang maagang mamatay sanhi ng pagkakaroon ng mga uri ng sakit.
Kabilang sa sakit ay cancer, heart disease at diabetese.
Payo ng mga ekperto, limitahan ang pagkain ng processed foods, kung nais na makaiwas sa mga nabanggit na karamdaman.
Ulat ni Bel Surara