Pilipinas at Malaysia pinalakas pa ang partnership sa palm oil production
Kilala ang Malaysia sa kanilang produksiyon ng Palm oil sa buong mundo, habang ang Pilipinas ay kilala naman bilang largest coconut oil producer.
Ang Pilipinas ay isa rin sa biggest importer ng Malaysian Palm Oil sa Asia Pacific region.
Bilang pagkilala sa Pilipinas, pinili ng MPOC o Malaysia Palm Oil Council ang Maynila para pagdausan ng POTS Malaysia-Philippines Palm Oil Trade Fair and Seminar ngayong 2022 na may temang “Addressing Philippines’ Oils & Fats Diversity Through Malaysian Palm Oil.”
Dinaluhan ito ng mga delegado mula sa iba’t ibang sektor ng dalawang bansa, at ng mga sponsor at exhibitor.
Ayon kay Malaysia Honorable Minister of Plantation Industries and Commodities Datuk Hajah Zuraida Kamaruddin, buo ang kanyang suporta at handa niyang ibahagi sa bansa ang makabago at advance na pamamaraan ng produksiyon ng palm oil para sa lalong ikalalawig ng trade relationship ng Pilipinas at Malaysia.
Betheliza Paguntalan