Produksyon ng sili mula Bicol, humina; nagmahal sa 400 piso kada kilo
Hinimok ng Albay Provincial Agriculture office ang publiko na magtanim din ng mga gulay, kasunod ng pagtaas sa presyo ng sili na bidang produkto ng probinsya.
Sinabi ni Cherryl Rebeta, Provincial agriculturist, na dulot ng mahinang produksyon ang pagmahal ng presyo ng sili.
Paliwanag ng opisyal, pumalo na sa 300 piso hanggang 400 piso kada kilo ang presyo ng mga sili ngayong tag-ulan kung saan kakaunti ang supply.
Bukod dito, nakaapekto rin aniya ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin dahil sa Tax Reform Law at Inflation rate.
Ayon kay Rebeta, may seedlings na handang ibigay ang tanggapan oras na mag-request ang mga Barangay Official.
===========