Programa ng DOH sa deworming, apektado rin ng Dengvaxia scare
Bukod sa outbreak sa tigdas, apektado na rin ng Dengvaxia scare ang programa ng Department of Health (DOH) sa deworming.
Ang deworming ay ginagawa sa mga bata para patayin ang bulate sa katawan at maiwasan ang Helminthiasis infections.
Ang mga batang may bulate, kadalasan ay malaki ang tiyan, payat at walang ganang kumain.
Ang bulate sa kawatan rin ang dahilan para mapigilan ang malnutrisyon at paglaki ng isang bata.
Bagamat tumanggi ang DOH na magbigay ng datos, inamin nito na bumagsak na rin ang mga batang nais magpa-deworm.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, sinusubukan nilang kunin uli ang tiwala ng mga mamamayan sa vaccination matapos ang Dengvaxia controversy.
Nagsagawa na rin sila ng nationwide campaign mula pa noong huling linggo ng Enero sa lahat ng Public Elementary schools para isailalim sa deworming ang mga batang may edad na 5 hanggang 12- anyos.
Target ng DOH na maipadeworm ang may 15 milyong mga kabataan sa mga Public schools pero mababa pa rin ang response ng mga magulang.
USEC Domingo:
“Naintindihan naman natin na nagkaroon ng konting takot at hesitancy pero ang importante ay maiakyat uli ang confidence magagawa lang ito kung makikipagusap tayo sa magulang at maexplain sa kanila at saka talagang pag kailangan mag house to house gagawin natin”.
Ulat ni Meanne Corvera