Programa para lunasan ang obesity, isinusulong sa Senado
Umaapela si Senador Cynthia Villar sa mga kapwa mambabatas na aprubahan na ang panukalang batas para sa paglulunsad ng National Anti-Obesity Program.
Sa inihaing Senate Bill no 2230, nais ni Villar na magtatag ng isang komprehensibong nationwide anti-obesity campaign para maresolba ang tumataas na kaso ng obesity
Nababahala ang senador dahil batay aniya sa report ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng Department of Science and Technology (DOST), umaabot na sa 27 milyong mga Pilipino ang obese o sobra sa kanilang timbang na pinangangambahang tumaas pa ng 30% sa 2030 kung hindi maaagapan.
Ang labis na katabaan aniya ay may panganib na magresulta ng sakit sa cardiovascular, diabetes at ilang uri ng cancer
Iminu-mungkahi sa panukala ang paglikha ng komite na pamumunuan ng Department of Health para kontrolin ang obesity at magpatupad ng awareness at prevention program hinggil ditto
Meanne Corvera