Programang Clean Rider inilunsad ng PNP
Inilunsad ng Philippine National Police ang programang Clean Rider para sa pagre-regulate ng mga motorcycle riders sa iba’t – ibang panig bansa.
Ito ay sa kabila ng paglaganap ng kriminalidad kung saan sangkot ang mga motorcycle riders sa ibat ibang mga krimen tulad ng motorcycle riding in tandem suspects, mga pagnanakaw at iba pang uri ng krimen.
Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde ito ay bahagi lamang ng programa ng PNP upang matukoy na ang mga kriminal na gumagamit ng motorsiklo sa iba’t- ibang krimen.
Libre anila ang pagpaparehistro nito sa mga nakakasakop na lugar na himpilan ng pulisya para sa mga riders.
Dahil sa nasabing programa mababago na din ang pagtingin ng publiko sa mga riders dahil sa sunod sunod na krimen na kinasasangkutan ng mga kriminal na nakasakay sa motorsiklo.
Sa pamamagitan ng pagdidikit ng stickers na in-apply ng isang rider sa nakakasakop sa kanyang himpilan ng pulisya sa lugar dito malalaman na ang impormasyon ng nagmamay -ari ng motorsiklo sa pamamagitan ng pag tapat sa sticker ng magchecheck na pulis na nakatalaga sa mga checkpoints.
Matapos nito, dito na makikita ang lahat ng impormasyon tungkol sa pagmamay ari ng motorsiklo at dito din malalaman kung nasangkot ba ang motorsiklo sa mga violations o krimen.
Looking forward naman ang PNP na boluntaryo lahat ng motorcycle rider enthusiast na magrehistro sa nasabing programa upang sa ika-aayos at kaligtasan na rin ng mga riders.
Ulat ni Earlo Bringas