Programang “Pinggang Pinoy” ng FNRI, malaki ang maitutulong upang maiwasan ang pagkonsumo ng mataas na lebel ng asukal
February 24, 2016 nang ilunsad ang Pinggang Pinoy ng Food and Nutrition Research Institute o FNRI ng Department of Science and Technology o DOST.
Ayon kay FNRI Director Mario V. Capanzana, ang bagong “Pinggang Pinoy” na kanilang i- dinebelop ay nagpapakita ng wastong grupo ng pagkain sa bawat konsumo.
Ito ay nakabatay sa Food guide pyramid.
Sinabi ni Capanza na ang plato ay nahahati sa apat na bahagi at ang kalahati ay binubuo ng mga gulay at prutas, habang ang natitirang kalahati ay para naman sa kanin at isda. mayroon ding isang baso ng tubig sa gilid upang bigyang-diin ang kahalagahan ng pag-inom ng sapat na dami ng tubig.
Binigyang- diin ni Capanzana na kung susundin lamang ng publiko ang pinggang pinoy, malaki ang tsansa na hindi dapuan ng diabetes dahil sa makokontrol ang pagkunsumo ng asukal.
Ulat ni Belle Surara