Proklamasyon ng mga mananalong Senador at Partylist tuloy parin kahit may ilang lugar ang idineklara ang failure of elections
Tuloy parin ang proklamasyon ng mga mananalong kandidato sa pagkasenador at partylist group bago ang May 15.
Ito ang tiniyak ni Atty. John Rex Laudiangco, matapos ideklara ang failure of elections sa 14 na barangay sa 3 bayan sa Lanao del Sur.
Ang special election sa mga nasabing lugar itinakda sa May 15 o maaari lagpas pa.
Ayon kay Laudiangco, titingnan nila kung makakaapekto ba ito sa magiging resulta ng boto sa gaganaping special elections.
Pero kung wala – tuloy na tuloy aniya ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato.
Ang pagbobotohan para sa mga nasabing ay mula national hanggang local.
Nilinaw rin ng opisyal na layon ng special election na matiyak na walang botanteng madidis-enfranchise sa mga lugar na nagdeklara ng failure of elections.
Madelyn Villar- Moratillo