Promosyon ng mga 3rd level officer, inaasahan ng PNP
Wala nang nakikitang balakid ang Philippine National Polcie (PNP) sa promosyon ng mga third level officer na matagal din na nabinbin.
Ito’y matapos i-clear ng 5-man advisory group ang 917 opisyal mula sa 953 na nagsumite ng kanilang courtesy resignation.
“We don’t see any reason. Unless, of course magkaroon ng panibagong issue at magkakaroon ng pagka-antala sa promotion nila. But no less than yung DCA po, sya po kasi yung Senior Officer Placement and Promotion Board, so hopefully ma-expedite yung mga na-pending na promotion,” paliwanag ni Police Colonel Jean Fajardo, spokesperson ng PNP.
Noong nakaraang linggo, 8 opisyal ang na-promote bilang mga bagong major general at brigadier general.
Inaasahan na masusundan na ito sa mga susunod na linggo.
Patuloy namang hinihintay ng PNP ang resulta sa 36 naman na inirekomendang isailalim sa mas malalim na imbestigasyon ng National Police Commission (NAPOLCOM).
“Nasa NAPOLCOM na po ang bola. Doon po sa further evaluation at investigation dito sa 32 PNP personnel at antayin po natin. Ang sabi naman po ng ating kagalang-galang na DILG na it will take at least two to three weeks po bago makapagbigay ng update, so antayin po natin yung kanilang resulta ng investigation,” dagdag na pahayag ni Col. Fajardo.
Patuloy ding hinihintay ng PNP ang opisyal na kopya ng desisyon ng ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-apruba sa resignation paper ng 2 heneral at 2 colonel na inirekomenda ng advisory group na alisin sa serbisyo.
Dito raw ibabase ng PNP ang susunod na hakbang para sa paglalabas ng kanilang dismissal order.
“So we have to wait for the final statements coming from our President whether or not he will approved the recommendation for the acceptance of courtesy resignation of the two generals as well as two police colonels,” sinabi pa ng opisyal.
Enero ng taong ito ng hinggin ni DILG Secretary Benhur abalos ang resignation paper ng lahat ng third level officer ng PNP dahil sa kontrobersiya sa pagkaka-kumpiska sa halos isang toneladang shabu sa Maynila.
Mar Gabriel