Promosyon sa iba pang Tourist destinations dapat paigtingin ng DOT habang sarado ang Boracay

Hinimok ni Senador Sonny Angara ang gobyerno na paigtingin pa ang promosyon sa iba pang magagandang tourist destinations sa Pilipinas.

Itoy habang sarado at sumasilalim sa rehabilitasyon ang boracay sa aklan.

Ayon kay angara, dapat tiyakin ng gobyerno na hindi mamamatay ang industriya ng turismo lalot marami pa aniyang world class tourist destinations na maaring ipagmalaki ang Pilipinas.

Kabilang na rito ang Sorsogon, Leyte, Negros Oriental, Zamboanga, Catanduanes at Siquijor.

Sinabi ni Angara na karamihan sa mga lalawigang ito ay mahihirap pero may malaking potensyal na maging kaakit-akit sa mga dayuhan at lokal na turista dahil sa magagandang beach.

Iginiit ni Angara, author ng Tourism Act of the Philippines na isa ang turismo sa mga nagpaparami ng nalilikhang trabaho at isa rin sa nagpapalusog ng ekonomiya ng Pilipinas.

Senador Angara:
“Habang sumasailalim sa rehabilitasyon ang Boracay, napakarami pang ibang magaganda at world-class tourist spots sa bansa na dapat nating ipagmalaki. Ito na ang tamang panahon upang makatulong ang mga lugar na ito na panatilihing malusog ang ating turismo at pagkakataon na rin ito upang hindi lamang Boracay ang makilala sa buong mundo kundi maging ang iba pang tourist destinations sa Pilipinas”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *