Proper ventilation sa mga workplaces at public transportation pinatitiyak ng DOLE
Para mapigilan pa ang pagkalat ng COVID-19, muling naglabas ng bagong guidelines ang Department of Labor and Employment para sa paglalagay ng tamang bentilasyon sa mga lugar ng paggawa at public transportation.
Mahigpit ang paalala ng DOLE lalo sa mga workplace at public transportation na matiyak ang pagdaloy ng maayos na hangin gaya ng paglalagay ng exhaust fans sa mga indoor workplaces, restrooms at water closets.
Ayon sa DOLE kung may maayos na bentilasyon sa mga gusali ay mababawasan ang risks of exposure sa hangin na maaaring kontaminado ng virus.
Para naman sa non-air-conditioned spaces, nakasaad sa guidelines ang pagmaximize sa natural ventilation sa pamamagitan nf mga pintuan o bintana.
Maging mga restrooms at water closets dapat umanong matiyak na may exhaust fans.
Sakop ng guidelines ang lahat ng commercial at industrial establishments, projects, sites at iba pang lugar maliban sa health facilities.
Madz Moratillo