Proposed Nat’l Budget 2024, tutugon sa kahirapan sa bansa – HREP
Tiniyak ni House Appropriations Committee Chairman Congressman Elizaldy Co na ang final version ng General Appropriations Act para sa Fiscal Year 2024 na nagkakahalaga ng P5.768 trillion ay sumasalamin para tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino at isulong ang kapakanan ng bansa.
Inihayag ni Co na ang pambansang pondo para sa susunod na taon ay tugon sa inflation o pagtaas ng presyo ng bilihin, tulungan ang mga mahihirap at magbibigay ng nararapat na serbisyo.
Nakapaloob din sa 2024 National Budget kung paano madadagdagan ang pagkain, trabaho, kalusugan, edukasyon at pabahay.
Sinabi ni Co na nasa P60 billion na pondo ang idinagdag para sa irigasyon bilang bahagi sa food security.
Dinagdagan din ng P25 billion ang pondo ng Department of Agriculture (DA) para sa pagpapalakas sa agricultural sector.
Nasa P10 billion din ang inilaan para sa housing subsidy ng gobyerno na layong magkaroon ng murang pabahay.
Kabuuang 12 million households naman ang target na mabigyan ng tulong sa pamamagitan ng Ayuda sa Kapos sa Kita Program ( AKAP)
Vic Somintac