Proseso sa pag iisyu ng prangkisa iimbestigahan na rin ng Senado

Naghain na ng resolusyon si Senador Joel Villanueva na humihiling na imbestigahan ang proseso na ipinatutupad ng LTFRB sa pag-iisyu ng prankisa sa mga Transport Network Vehicle Services providers.

Bunsod na rin ito ng naunang memorandum na ipinalabas ng LTFRB na nagsususpinde sa lahat ng mga application para sa mga temporary permit to operate ng mga TNVS tulad ng Uber at Grab.

Gustong matukoy ni Villanueva kung bakit bigo ang karamihan sa mga TNVS na makakuha ng temporary permit mula sa LTFRB.

Pinagbatayan nito ang ulat ng  Grab na mayroon lamang apat na libo sa kabuuang 28 libong drivers ang nakakuha ng temporary o provisional authority  o certificate of public convenience mula sa LTFRB.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *