Protein deficiency dahilan kaya madami malnourished
Ang kakulangan ng Protina umano ang isa sa dahilan kaya maraming bata ang malnourished at may mababang marka sa eskwelahan.
Katunayan batay sa pag- aaral ng Organization for Economic Cooperation and Development Programme for International Student Assessment o PISA, mababa ang marka ng mga estudyanteng nagmula sa mga bansang may mataas na presyo ng manok at baboy kabilang na sa Pilipinas.
Yan ang isa sa dahilan kaya isinusulong ni Senador Cynthia Villar ang panukalang pagpapalakas sa livestock, poultry at dairy industry development and competitiveness.
Ayon sa Senador, ang baboy at manok ay bahagi na tulong sa kailangang sustansiya.
Pero sa ngayon nananatili aniya ang problema sa African swine fever dahilan kaya mahal ang presyo ng baboy.
Mabagal aniya ang naging pagbangon ng hog at livestock industry dahil yan sa kakulangan ng suporta mula sa gobyerno.
Sa panukala na inindorso na sa plenaryo, bubuo ng livestock, poultry, at dairy Competitiveness Enhancement Fund para palakasin ang produksyon at bumaba ang presyo sa merkado.
Meanne Corvera