Protocol sa pagsusuot ng face mask sa buong bansa dapat ng luwagan ng gobyerno ayon sa isang Kongresista
Nais ni Camarines Sur Congressman LRay Villafuerte na luwagan na ng pamahalaan ang patakaran sa pagsusuot ng face mask sa buong bansa.
Sinabi ni Villafuerte na tayo na lang sa Pilipinas ang nagpapatupad ng mahigpit patakaran sa pagsusuot ng face mask.
Ayon kay Villafuerte dapat gayahin na ng Pilipinas ang Thailand at Singapore na optional na lamang ang pagsusuot ng face mask bilang bahagi ng new normal.
Inihayag ni Villafuerte maaaring magrekomenda na ang Inter Agency Task Force o IAFT na ang magsusuot na lamang ng face mask ay ang mga nasa hospital, mga may comorbidity at mga pumapasok sa air conditioned na establishment.
Niliwanag ni Villafuerte maging sa mga bansa sa Europa ay optional na lamang ang pagsusuot ng face mask lalo na sa mga open area.
Iginiit ni Villafuerte maraming lugar na sa bansa lalo na sa mga probinsiya na hindi na nagsusuot ng face mask subalit nananatiling kontrolado na ang pagkakat ng COVID 19.
Vic Somintac