Proyekto ni Pangulong Duterte na sinasabing magiging pinakamahabang tulay sa Mindanao, “half way done” na ayon sa DPWH
Iniulat ng mga opisyal ng Departmernt of Public Works and Highways o DPWH, na “half-way” finish na ang nakikitang magiging pinakamahabang tulay sa Mindanao.
Ang Panguil Bay Bridge Project, sa sandaling matapos na ay isang 3.17 kilometrong two-way two-lane bridge na magdurugtong sa Tangub City sa Misamis Occidental at Munisipalidad ng Tubod sa Lanao del Norte.
Sinabi ng DPWH, na ang proyektong tulay na ito ay kabilang sa 119 na infrastructure flagship projects sa ilalim ng “Build, Build, Build” Program.
Ayon kay Mercado . . . “I am delighted that the work is now progressing at a faster pace using state-of-the-art engineering equipment and adopting modern technology in bridge construction.’
Sinabi pa ng DPWH, na ang Panguil Bay Bridge Project ay target na matapos sa December 2023. Pagagaangin nito ang biyahe dahil magiging pitong minuto na lamang ang lakbayin mula Tangub patungong Tubod, kumpara sa kasalukuyang isang oras at 30 minuto sa pamamagitan ng Roll-On Roll-Off vessels na nago-operate mula Ozamis hanggang Mucas.
Sa kasalukuyan, ang land travel sa Panguil Bay road ay tumatagal din ng hindi hihigit sa dalawa at kalahating oras sa kabuuang haba na 100 kilometro.
Ang inter-island bridge project ay mangangailangan ng 54 na bored piles para sa 32 piers, dalawa sa (2) abutments sa Tangub City, Misamis Occidental at Tubod, Lanao Del Norte, at dalawang (2) pylons ng main bridge.
Iniulat ni DPWH Undersecretary Sadain, na ang proyekto ay 51.4 percent complete na, matapos makaranas ng delays sa delivery ng equipment at materials noong 2020 bunsod na rin ng pandaigdig na epekto ng Covid-19 pandemic.
Ang ₱7.37 Billion Panguil Bay Bridge Project ay pinondohan sa tulong ng South Korea, na ang implementasyon ay pinangangasiwaan naman ng DPWH Unified Project Management Office (UPMO).
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang groundbreaking ceremony para sa proyekto noong November 28, 2018.